Sabi nga natin noong nakaraang buwan, mas mabuti na gumawa ka na lang ng sarili mong portfolio kaysa maghabol ka ng mga certification, mas lalo na’t libre lang gumawa ng Github account para ipakita mo ang code mo pati na rin sa paggawa ng pansariling website.

Pero kahit mukhang simple lang ang payo na ito, mayroon paring mga bagay madalas itanong ukol sa mga portfolio.

Unang tanong: “Hindi ako eksperto sa web design, ano dapat ang itsura ng aking portfolio?”

Baka isipin mo na kailangang bongga ang portfolio website mo. Pero kung titingnan mo mga website ng kahit mga mahuhusay na designer, makikita mo na ang “minimalist” na itsura ang pinakamadalas gamitin – pag inilagay mo kung sino ka, ano yung kaya mong gawin, at ano ang ginawa mo, pwede na yun.

Pag dinagdagan mo pa siya ng mga bagay-bagay na di kailangan, tulad ng music, video, o animation, baka mahirapan lang yung mga bisita sa website mo.

At isa pa, bilang isang developer, walang umaasa na bongga o orihinal ang design ng website mo. Pwede kang gumamit ng kung anu mang libreng theme o framework (hal. Twitter Bootstrap, Zurb Foundation) para pagandahin ang website mo.

At ang susunod na tanong: “Ano ang dapat laman ng aking portfolio? Gaano ka kumplikado dapat ang mga project na dapat ilagay ko sa aking Github account?”

Sa totoo lang, kahit gaano kasimple ang code mo (hal. assignment mo sa isang klase), pwede mong ilagay sa portfolio mo. Ang mahalaga ay:

  • lumulutas ito ng problema, at kayang makita sa code kung paano mo linutas yung problema
  • pinapakita niya kung paano ka bumuo ng proyekto na gumagamit ng mga iba’t ibang library, at kung kailan ka gumagawa ng sarili mong library
  • pinapakita niya na alam mo ang mga tamang software engineering practices tulad ng coding conventions at automated testing
  • (kung mayroon ka o sumasama ka sa open source projects) pinapakita niya na marunong kang magtrabaho kasama ng ibang tao at ang kanilang code
Tagged with →  
Share →

Leave a Reply

Google+