Huwag mong hayaan ang pag-aaral sa eskwelahan na maging hadlang sa pag-aaral.
– madalas iugnay kay Mark Twain

Madaling sisihin ang mga paaralan sa mga pagkukulang ng mga bagong graduate. Pero ang artikulong ito ay hindi ko ginawa para mambatikos ng mga guro at eskwelahan (sa ibang araw na iyon), kungdi para batikusin ang mga asal ng mga estudyante tungo sa pag-aaral.

Sa rami-raming mga maling akala na laganap sa lipunan natin, may isang maling akala na nakakasira sa pag-aaral ng isang estudyante – ang akala na sapat na ang makatapos sa kolehiyo para masabi na marunong ka na sa IT o sa Software Development.

Di mo naman talaga masisisi ang mga estudyante kung bakit ganito ang asal nila; mula pagkabata, tinatanim na ng mga matatanda sa kanilang isipan na diploma lang kailangan nila para maka-trabaho – magandang payo para sa mga trabaho ng “industrial era”, pero hindi bagay sa “information era” kung saan hindi nagtatapos ang pag-aaral sa paaralan.

Ang resulta? Mga “CS graduate” na hindi bihasa sa fundamentals ng Computer Science. Mga “IT graduate” na hindi marunong mag-program.

Hindi ka na magtataka kung bakit kahit ang dami ng mga nagtatapos sa kursong IT at mataas ang demand para sa mga developers, ang baba ng employment rate ng mga bagong tapos (<10%). -- At hindi lang sa kolehiyo/eskwelahan ko nakikita itong problema na ito. Kahit sa mga taong gustong mag-"self study", buhay parin itong maling akala na ito:

  • “Natapos ko na TryRuby at TryGit, marunong na akong mag-Ruby at mag-Git!”
  • “Natapos ko nang i-copy paste yung mga code sa libro na ito, marunong na akong mag Ruby on Rails!”

Biglang pag pinagawa mo sila ng isang simpleng programming task, matatameme na lang sila.

Ang payo ko sa mga nag-aaral ng IT, huwag kayong makuntento sa pagbabasa at sa pangongokopya. Dapat i-practice at i-explore ninyo yung mga konsepto na nadadaanan ninyo. At kung pwede, subukan ninyo ring ituro ang mga natutunan ninyo.

Tagged with →  
Share →

Leave a Reply

Google+